Loading Events

« All Events

Hope Clores’ Dulagan

March 26 @ 7:00 PM - March 28 @ 2:00 PM

𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙣𝙖, 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙢𝙖𝙡𝙞𝙠 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖?

Ang 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧 ni Edelweiss Hope R. Clores ay isang research-based performance na tumatalakay sa paglago’t pag-inog ng mga pangarap at ambisyon ng kabataang Masbateño habang tinatahak nila ang landas ng pagbubuo at pagpapalago ng sariling pagkakakilanlan.

Ang 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧 ay isang orihinal na fantasy musical na gumagamit ng imahen ng mga manika bilang metapora ng kabataan at identidad. Inuusisa rin ng pagtatanghal at pananaliksik na ito ang mga konsepto ng paglalaro, pagdadalaga’t pagbibinata, at ang paminsang pagtakas sa mga hamon ng buhay upang makahanap ng kanlungan.

Ang 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧 ay bahagi ng 𝗞𝗮𝗵𝗶𝗱𝗹𝗮𝘄, isang serye ng mga produksyong-pananaliksik mula sa mga magsisipagtapos na mag-aaral ng Sining Panteatro mula sa Batch Alejandro Roces – Fernando Poe Jr. (Alon).

Markahan na ang inyong mga kalendaryo!

𝐒𝐄𝐓 𝐂
𝗗𝘂𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻 ni Edelweiss Hope R. Clores
𝗕𝗲𝗻𝗲𝗼𝗺𝗲𝗻𝗮 ni Mary Isabel A. Pagador
Bulwagang Sarimanok (Clubhouse), PHSA, Mt. Makiling, Los Baños, Laguna
Marso 26, 2025 – 7 PM
Marso 28, 2025 – 2 PM

*disenyo ng poster ni Amira Sison

Details

Start:
March 26 @ 7:00 PM
End:
March 28 @ 2:00 PM

Organizer

PHSA

Venue

Bulwagang Sarimanok
National Arts Center
Mt. Makiling, Los Baños, Laguna Philippines
+ Google Map